Manila, Philippines – Sa kanyang munting paraan, nag-reach out si BINI Stacey sa cancer warrior at content creator na si Axl Ford makaraang maispatan niya ito sa kanyang TikTok video tungkol sa kanyang kalagayan.
Nag-alok din ng tulong pinansyal si BINI Stacey sa lolo nitong may cancer din.
Bilang pasasalamat, ibinahagi ni Axl sa TikTok ang screen shot ng private message ni BINI Stacey.
Ayon kay Stacey: “Hi, I came across your video on TikTok and I would love to help you and your lolo. If you have a Gcash account or any online banking account, please feel free to send me the details.”
Dagdag niya: “Laban lang po. God bless you always.”
Dahil sa sobrang na-touch, ipinost ito ni Axl sa kanyang Facebook account: “Kilala n’yo ba ang BINI, mga ka-warriors? Maraming salamat, BINI Stacey.”
Patuloy ni Axl: “Sa simpleng mensahe mo, ipinaramdam mong hindi kami nag-iisa sa laban namin ni lolo. Hindi namin makakalimutan ang kabutihang ipinakita mo.”
Tama si Stacey, just hang in there…laban lang! Ronnie Carrasco III