Home NATIONWIDE Mananaya mula sa Paranaque paldo sa P25.3M jackpot sa lotto

Mananaya mula sa Paranaque paldo sa P25.3M jackpot sa lotto

3
0

MANILA, Philippines – Paldo ng P25.3 milyon ang isang mananaya mula Paranaque City matapos tamaan ang jackpot sa Superlotto 6/49 draw nitong Linggo ng gabi, September 6, 2026.

Ayon sa PCSO, tinamaan ng mananaya ang winning number na 39-29-44-15-43-25 sa Superlotto 6/49 draw na may kabuuang premyo na P25,303,908.47.

Ang winning ticket ay nagmula sa Paranaque City.

Samantaa, hindi pa rin nasusungkit ang jackpot sa Ultra Lotto 6/58 sa winning number combination number na 29-38-10-49-23-07.

Umaabot na sa P272,327,172.65 ang jackpot nito. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here