Home NATIONWIDE Lebel ng tubig sa 6 dam sa LuzVis, bahagyang tumaas dahil sa...

Lebel ng tubig sa 6 dam sa LuzVis, bahagyang tumaas dahil sa Habagat

1
0

MANILA, Philippines – Bahagyang tumaas ang water level sa anim sa siyam na minomonitor na dam sa bansa habang nagpapatuloy ang habagat sa ilang bahagi ng Luzon at Visayas, ayon sa PAGASA.

Batay sa update hanggang alas-8 ng umaga, kabilang sa tumaas ang Angat, Ambuklao, Binga, Pantabangan, Magat at Caliraya dams.

Pinakamalaki ang itinaas sa Binga Dam sa Benguet na 0.50 metro, mula 573.40 m tungo sa 573.90 m. Sumunod ang Angat Dam sa Bulacan na tumaas ng 0.49 m, mula 205.81 m hanggang 206.30 m.

Tumaas din ang Pantabangan Dam sa Nueva Ecija ng 0.36 m; Caliraya Dam sa Laguna ng 0.32 m; at Ambuklao at Magat dams ng tig-0.08 m.

Samantala, bumaba naman ang water level sa San Roque Dam sa Pangasinan ng 2.62 m, Ipo Dam sa Bulacan ng 0.59 m at La Mesa Dam sa Quezon City ng 0.19 m.

Ayon sa PAGASA, tig-dalawang gate ng Ambuklao, Binga at San Roque dams ang binuksan nitong Lunes.

Inaasahang magpapatuloy ang habagat sa ilang bahagi ng Luzon at Visayas hanggang Miyerkules. Inaasahan ang malakas na pag-ulan na 50 hanggang 100 millimeters sa Zambales, Bataan, Batangas at Occidental Mindoro nitong Lunes. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here