Home NATIONWIDE 5% dagdag-sahod, masayang tinanggap ng PNP: magpapalakas sa morale, kapakanan ng kapulisan

5% dagdag-sahod, masayang tinanggap ng PNP: magpapalakas sa morale, kapakanan ng kapulisan

2
0

MANILA, Philippines – Masaya ang Philippine National Police (PNP) sa 5 porsiyentong dagdag sa base pay ng mga uniformed personnel simula sa susunod na taon, na inaasahang magpapalakas sa morale at kapakanan ng mga pulis.

Ayon kay PNP chief Gen. Jose Melencio C. Nartatez Jr., pagkilala ito sa dedikasyon ng mga pulis na patuloy na naglilingkod at nagpoprotekta sa publiko.

“The increase in the salary of police officers is a fitting recognition of their selfless service to the Filipino people,” ani Nartatez.

Ayon naman sa Department of Budget and Management (DBM), P73.7 bilyon ang inilaan para sa subsistence requirements ng military at uniformed personnel sa 2027. May dagdag na pondo rin para sa sahod, personnel benefits, healthcare, kagamitan at iba pang gastusin.

Para sa PNP, P242.5 bilyon ang panukalang budget sa 2027 para sa personnel at operasyon nito sa pagpapanatili ng peace and order at proteksyon sa mga komunidad.

Sinabi ni Nartatez na dapat magsilbi ring inspirasyon ang dagdag-sahod upang higit pang pagbutihin ng mga pulis ang kanilang trabaho.

“To every police officer, let this serve as a continuous motivation to serve with honor, integrity and dedication in the interest of peace and order and general welfare of the Filipino people we vowed to protect,” ani Nartatez.

Binigyang-diin niya na kaakibat ng dagdag-sahod ang patuloy na responsibilidad ng mga pulis na panatilihin ang propesyonalismo at dedikasyon sa serbisyo publiko. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here