Home NATIONWIDE Presyo ng langis, sumipa

Presyo ng langis, sumipa

1
0

MANILA, Philippines — Panibagong dagdag-pasanin sa mga motorista ang nakaambang pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo simula Martes.

Ayon sa Department of Energy (DOE), maaaring umabot sa ₱4.69 kada litro ang dagdag-presyo sa gasolina, habang hanggang ₱5.18 kada litro naman ang maaaring itaas sa diesel.

Pinakamalaki ang posibleng dagdag sa kerosene, na maaaring pumalo sa ₱5.58 kada litro.

Bukod sa direktang epekto sa mga gumagamit ng pribadong sasakyan at pampublikong transportasyon, maaari ring maramdaman ang dagdag-presyo sa gastos sa paghahatid ng mga produkto at serbisyo.

Ayon sa DOE, kabilang sa mga pangunahing dahilan ng pagtaas ang panibagong pag-atake sa Middle East, na nakaaapekto sa pandaigdigang suplay at presyo ng langis, gayundin ang pagkahina ng piso laban sa dolyar. JAY Reyes

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here