Home HOME BANNER STORY Arrest warrant sa kasong plunder inilabas vs Romualdez

Arrest warrant sa kasong plunder inilabas vs Romualdez

2
0

MANILA, Philippines – Naglabas ang Sandiganbayan nitong Lunes ng arrest warrant laban kay dating House Speaker at incumbent Leyte Rep. Martin Romualdez kaugnay ng kasong plunder.

Kapag naaresto, mananatili sa kulungan si Romualdez dahil hindi pinapayagan ang piyansa sa kasong plunder.

Nauna nang naghain ang Office of the Ombudsman ng information o pormal na mga kaso laban kay Romualdez.

Ayon sa mga imbestigador ng Ombudsman, kapwa inakusahan sina Romualdez at dating Ako Bicol party-list Rep. Zaldy Co ng umano’y “concerted and coordinated acts” sa “unlawfully amassing, accumulating, and acquiring ill-gotten wealth” na tinatayang umabot sa P56 bilyon mula 2022 hanggang 2025.

Bahagi umano ng nakuhang yaman ay ipinadala sa pamamagitan ng mga bodyguard gamit ang mga maleta. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here