Home HOME BANNER STORY Bigtime sirit-presyo sa produktong petrolyo, umarangkada na

Bigtime sirit-presyo sa produktong petrolyo, umarangkada na

2
0

MANILA, Philippines — Aarangkda ang isang malaking dagdag-presyo sa petrolyo ngayong Martes, Setyembre 8, matapos ianunsyo ng Department of Energy (DOE) ang higit P5 kada litrong taas-presyo sa diesel at kerosene.

Tataas ng P5.18 kada litro ang diesel, P4.69 kada litro ang gasolina, at P5.58 kada litro ang kerosene para sa price adjustment period na Setyembre 8 hanggang 14.

Ayon sa DOE, pangunahing nagtulak sa panibagong pagtaas ang pagmahal ng langis sa international market bunsod ng panibagong tensyon sa Middle East na nagdulot ng pangamba sa daloy ng suplay ng langis.

Nagdagdag din ng pressure sa lokal na presyo ng petrolyo ang paghina ng piso laban sa US dollar dahil dolyar ang ginagamit sa pagbili ng imported na langis.

Nauna nang naglabas ng kani-kanilang price advisories ang mga kumpanya ng langis para sa implementasyon ng bagong presyo ngayong Martes.

Ang malaking dagdag-presyo ay kasunod ng rollback sa presyo ng petrolyo noong nakaraang linggo. Dave Medina

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here