Home NATIONWIDE #WalangPasok: Klase suspendido sa ilang lugar ngayong Sept. 8

#WalangPasok: Klase suspendido sa ilang lugar ngayong Sept. 8

1
0

MANILA, Philippines — Suspendido ang face-to-face classes o ipatutupad ang alternative learning modalities sa ilang bahagi ng bansa ngayong Martes, Setyembre 8, dahil sa pagbaha at masamang panahon na dulot ng Habagat.

Batay sa mga anunsyo ng mga lokal na pamahalaan, suspendido ang klase sa lahat ng antas sa pampubliko at pribadong paaralan sa Las Piñas City.

Sa Valenzuela City, lilipat naman sa Alternative Learning Modes (ALMs) ang lahat ng antas sa pampubliko at pribadong paaralan.

Sa Pangasinan, walang face-to-face classes sa Binmaley, habang lilipat sa ALMs ang mga paaralan sa Malasiqui, San Carlos City at Calasiao.

Sa Pampanga, suspendido ang klase sa lahat ng antas sa San Simon mula Setyembre 7 hanggang 11, maliban sa Concepcion Integrated School na magpapatuloy sa face-to-face classes.

Alternative Learning Modes naman ang ipatutupad sa Sto. Tomas, habang modular classes ang gagawin sa piling paaralan sa Candaba. Sa City of San Fernando, walang face-to-face classes sa morning session at lilipat sa online o modular distance learning ang mga mag-aaral.

Hiwalay dito, suspendido simula 12:01 ng tanghali ang klase sa lahat ng antas sa pampubliko at pribadong paaralan sa buong Pampanga kaugnay ng paggunita sa 70th Canonical Coronation Anniversary of Virgen de los Remedios, patron ng lalawigan.

Sa Batangas, walang face-to-face classes sa Balayan, Calatagan, Lian, Nasugbu, Tuy, Taal, Lemery at Calaca. Gagamit ang mga paaralan ng online, modular, asynchronous o iba pang naaangkop na alternative learning modalities.

Sa Calumpit, Bulacan, lilipat din sa Alternative Learning Modes ang lahat ng antas sa pampubliko at pribadong paaralan.

Pinapayuhan ang mga mag-aaral at magulang na bantayan ang mga opisyal na anunsyo ng kani-kanilang LGU at paaralan para sa posibleng karagdagang suspensiyon o pagbabago sa learning arrangements. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here