MANILA, Philippines — Walang nakasungkit sa mahigit P182 milyong jackpot ng Grand Lotto 6/55 at P44 milyong Mega Lotto 6/45 sa draw nitong Lunes, Setyembre 7, ayon sa resulta ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).
Walang nakahula sa winning combination na 16-54-03-02-50-49 para sa P182,018,149.40 Grand Lotto 6/55 jackpot.
Dalawang mananaya naman ang nakakuha ng lima sa anim na numero at nanalo ng tig-P700,000.
Wala ring nakakuha sa kumbinasyong 17-42-20-16-33-09 para sa P44,766,052.23 jackpot ng Mega Lotto 6/45. Dalawampu’t isang bettor naman ang nanalo ng tig-P57,142.85 matapos makakuha ng lima sa anim na numero.
Samantala, lumabas na 7-2-5-4 ang winning combination sa 4D Lotto, habang 11-05, 06-14 at 07-22 ang resulta sa tatlong draw ng 2D Lotto.
Sa 3D Lotto, lumabas naman ang 5-9-1, 1-8-7 at 6-3-6 sa 2 p.m., 5 p.m. at 9 p.m. draws. RNT