Home OPINION KRISIS SA LANGIS KRISIS SA PULITIKA

KRISIS SA LANGIS KRISIS SA PULITIKA

3
0

TILA naghahalo na ang balat sa tinalupan sa nagaganap sa mahal kong Pinas.

May krisis na nga sa pulitika, may krisis pa sa ekonomiya.

LANGIS, UGAT NG KRISIS

Biglang muling sumiklab ang giyera sa pagitan ng United States at Iran nang basta na lang salakayin ng US ang tatlong oil tanker ng Iran at bombahin ang Kharg Island na sentro ng pagluluwas ng Iran ng mga langis nito.

Sinira ng US ang dalawang barkong oil tanker sa Strait of Hormuz gaya M/T Downy at M/T Stark 1 at isa sa karagatan ng Oman, ang M/T Kylo.

Agad naman inatake ng Iran ang tatlong oil tanker na nauugnay sa US at isang barkong komersyal.

Dahil sa paghigpit ng biyahe ng langis at produktong petrolyo, kasama ang natural gas, mula sa Persian Gulf palabas ng Strait of Hormuz, nagkakaroon ngayon ng malaking kakulangan sa suplay ng mga produktong ito na naging dahilan ng kanilang pagmahal.

Ayon sa Iran, nananatiling bukas ang Strait of Hormuz ngunit dapat sumunod ang lahat ng barko sa patakaran nitong papasok sila muna sila sa karagatang sakop ng Iran at palabas sa sakop naman ng Oman at taliwas dito ang kagustuhan ng US.

Ito ngayon ang pinagmumulan ng giyerang dagat na ikinasasama ng suplay ng langis sa mundo.

Nasa 20% ng suplay ng mundo ng langis ang dumaraan sa Strait of Hormuz at pinakamalaki rito ang tumutungo sa Asya, kabilang na ang Pilipinas.

Ngayong araw, muling magtataas ang diesel sa ₱4.50-₱5.18 kada litro habang ng gasoline – ₱4.00 to ₱4.69 kada litro at maging ang kerosene

Dahil dito, umakyat muli sa pagitan ng P85-P90 kada litro ang diesel, depende sa istasyon ng gasolina at nasa P80 ang gasolina.

Dito nag-uugat ang krisis sa presyo ng lahat ng bilihin na hindi kayang tapatan ng kita ng mga mamamayan at nagbubunga ng malawakang gutom at paghihirap.

SOBRANG PULITIKA, UGAT DIN NG KRISIS

Sa ngayon, sinasabing sobra-sobra na ang pulitika sa bansa na konektado sa halalang 2028.

May mga pwersang ginagamit ang lahat ng pwersa ng pamahalaang Marcos para isulong ang kanilang mga sarili at pabagsakin ang pangunahin nilang kalaban na si Vice President Sara Duterte.

Gamit-gamit ang mga kalaban ni VP Sara ang lahat ng paraan, gaya ng pagkakasong kriminal at impeachment at pinangangambahan pa ngang kakasuhan din ito ng plunder upang hindi makapagpiyansa makaraang tanggapin ang grave threats ng isang Regional Trial Court.

Kasabay nito, lumalabas na pinababayaan o tahasang tinatalikuran ng mga ito ang mga multi-bilyong iskam sa flood control projects at iba pang multi-bilyon ding iskam na kinasasangkutan mismo ng mga anti-VP Sara.

At ang masama pa, lumilitaw ring pinababayaan nila ang mga mahigit isang buwan nang milyon-milyong mamamayan na biktima ng mga baha na dulot ng masamang panahon.

Dahil nga sa sobrang pamumulitika, bagsak na rin ang buong ekonomiya sa pagtanggi nang mamumuhunan ng mga dayuhan na maglagak ng puhunan sa bansa.

Hanggang ngayon, hanggang 3 porsento lang ang ikinaunlad ng buong gross national product ng bansa sa halip na mas mataas gaya ng ipinangangalandakan ng mga namumulitika.

Paano kaya tayo makaaahon sa krisis sa gitna ng mga sumpa ng giyera sa langis at pulitika?

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here