PANGASINAN, Philippines – Hindi nakaligtas sa kalawit ni kamatayan ang isang 28-anyos na lalaki matapos bumangga ang minamaneho nitong motorsiklo sa concrete barrier sa San Carlos City ng lalawigang ito nitong Linggo, Setyembre 27.
Ayon sa San Carlos CPS, ang biktima ay isang microfinance collector, residente ng Bayambang, Pangasinan.
Sa inisyal na imbestigasyon, ang biktima na hinihinalang nakainom ay bumibiyahe papuntang silangan.
Pagsapit nito sa pakurbang parte ng kalsada, biglang nawalan ng kontrol sa manibela ng sasakyan ang biktima hanggang sa bumangga sa concrete barrier ang motorsiklo.
Dahil dito, nagtamo ng severe injuries ang driver ng motorsiklo.
Agad na isinugod sa Pangasinan, Provincial Hospital sa San Carlos City ang biktima.
Gayunman, ang biktima ay idineklarang dead on arrival ng umatending doktor. Rolando S. Gamoso