Home OPINION STL SA QC, DAPAT BANG IMBESTIGAHAN?

STL SA QC, DAPAT BANG IMBESTIGAHAN?

1
0

NAAALALA pa ba ninyo ang inilantad noon ni Sen. Raffy Tulfo na tinawag na “dubiously approved STL contracts” o “midnight deal” sa pagbibigay ng STL (small town lottery) permits na umano’y orchestrated ng isang dating Philippine Charity Sweepstakes Office official na kilala bilang PROSI?

Isa sa mga operasyon na nais imbestigahan noon ay ang STL operation sa Quezon City.

Ayon sa mga alegasyon, isang One Person Corporation na sinasabing walang sapat na financial soundness ang nabigyan ng STL permit sa pamamagitan umano ng isang kwestyonableng bidding. Kalaunan, ibinenta umano nito ang shares sa ibang private individuals.

Kung tutuusin, para itong “sub-contracting” na sinasabing paglabag sa IRR ng PCSO.

Fast forward.

Ayon sa mapagkakatiwalaang source, lalo umanong lumala ang problemang may kinalaman sa operasyon ng STL sa Quezon City.

May mga sinasabing “cloned” STL machines at mga pekeng STL betting stations na umano’y nagpapatakbo nang walang PCSO permit.

Kung totoong may ganitong operasyon, malaking problema ito.

Dahil kapag ang isang bettor ay tumaya sa iligal na STL, walang napupunta sa gobyerno. Ang pera ay napupunta sa bulsa ng illegal operators at, kung mapatutunayan, ng kanilang mga protektor.

At dahil iligal ang operasyon, wala ring lehitimong proteksyon ang bettor.

Mas mabigat pa rito, may mga empleyado umano ng illegal STL operations na hindi na makatiis sa sinasabing panloloko. Maging ang legitimate STL operators ay apektado rin at nais na umaksyon.

May plano umanong iakyat ang isyu sa Quezon City Hall, kasama ang kahandaang tukuyin ang mga umano’y illegal STL operators at ang mga hinihinalang protektor ng mga ito.

Kaya simple lang ang punto: Kung may alegasyon, imbestigahan.

Kung walang paglabag, malinaw na mapapatunayan.

Pero kung may illegal STL operations, cloned machines, pekeng betting stations at proteksyon mula sa mga makapangyarihan, hindi dapat palampasin.

Hindi ito simpleng usapin ng STL. Pera ng publiko, tiwala ng publiko, at batas ang nakataya.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here