Home OPINION IMPEACHMENT COURT VS 1987 CONSTITUTION SA 16 MINIMUM GUILTY VOTE VS VP...

IMPEACHMENT COURT VS 1987 CONSTITUTION SA 16 MINIMUM GUILTY VOTE VS VP SARA

1
0

INILUTANG kamakailan ni Senator Migz Zubiri na may mga senador na gustong ibaba ang minimum na boto mula sa 16 para maideklarang guilty si Vice President Sara Duterte batay sa kahit isa sa Articles of Impeachment na ibinabalibag sa kanya.

Rason umano ng mga senador na malamang na anti-Duterte, may hindi nakasasaling senador sa paglilitis gaya nina nakakulong na Sens. Rodante Marcoleta at Jinggoy Estrada habang nagtatago si Sen. Bato dela Rosa at may seryosong sakit naman umano si Sen. Loren Legarda.

Kapag hindi kasali, diskwalipikado na sila sa pagboto?

Tantiya ng mga nagsusulong ng bawas-boto, kapag mawala sa eksena ang apat, papalo na sa 13 ang boto at maglulupasay man si VP Sara, pwede na siyang ideklarang guilty lalo’t higit na pulitika ang batayan ng pagdedesisyon at hindi ang ebidensya.

Tanong: Kung kikilos ang mayorya at solido sila sa pagsusulong ng bawas-boto, magtatagumpay naman kaya sila nang sila-sila lang?

At kung magtatagumpay sila, hindi kaya ito ang malaking dahilan kung bakit tila minamadali na ng prosekusyon ang paglilitis gaya ng pagbabawas o pagtanggal nila ng mga susing saksi gaya ni Col. Raymund Dante Lachica at balak na hindi na pagsalang ng Article 3 o bribery sa paglilitis?

At sarsuela na lang ang paglalatag ng ebidensya naman ng depensa.

May malalaking problema nga lang.

Isa ang 1987 Konstitusyon na nangangailangan ng amyenda upang mabago ang “2/3 of ALL members of the Senate” o 16 boto para maideklarang guilty si VP Sara.

Pwede bang magpatawag ang buong Kongreso ng Constituent Assembly at madaliin ang pag-amyenda lalo’t kontrolado naman ng anti-VP Sara ang Kamara at Senado bago ang botohan sa araw ng paghuhukom?

Isa pa, may solong kapangyarihan ba ang Impeachment Court na ideklarang pwedeng mas mababa ang minimum na boto at hindi kinakailangang dalhin sa Supreme Court ang usapin para ito ang magdesisyon sa halip na ang Impeachment Court?

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here