Home OPINION SANAY SA SUHOL AT KORAPSYON

SANAY SA SUHOL AT KORAPSYON

1
0

MAINIT ngayong pinag-uusapan sa lahat ng panig ng mundo (maliban sa ‘Pinas) ang ibinulgar ni Brazilian journalist Pepe Escobar hinggil sa nabigong tangka ng ‘Tadong Unidos na SUHULAN ng bilyones na dolyar ang militar at iba pang mga opisyal ng Iran.

Kapalit nito, ang mga “kinorap” na opisyal ng Iran ang gagawa ng paraan para palitan (ulit) ang kanilang gobyerno ng isang rehimen na susunod (ulit) sa mga utos ng Kano.

Nasa ikapitong buwan na ngayon ang agresyon ng Israel at Amerika sa Iran at hindi kayang takpan ng kahit araw-araw na kasinungalingan ng ‘Western mainstream media’ (WMSM) ang katotohanan na “olats” si Trump at Satan, err, Netanyahu.

Ayon pa kay Escobar, ginamit ng mga Kano ang kanilang ‘backchannel’ sa Iran (Pakistan) upang mag-alok ng suhol subalit hindi ito pinatulan ng mga opisyal at militar ng Iran.

Nitong Enero, bago ang pagsalakay sa Iran ng mga Kano at Israel, ginamit ng dalawang teroristang grupo ang kanilang mga espiya at mga bayarang elemento upang maghasik ng kaguluhan sa loob ng Iran at pabagsakin ang gobyerno nito kung saan kahit higit 3,000 ang namatay, nabigo ang kanilang plano.

Sumunod na buwan, aktwal na silang sumalakay subalit muli silang nabigo na magkaroon ng ‘regime change’ sa Iran.

Ang panunuhol, korapsyon at agresyong militar ay matagal nang “armas” ng mga Kano para palitan ang mga rehimeng ayaw nang magpasakop sa kanila.

Sa Iran mismo, noong 1953, ginawa na nila ito upang pabagsakin ang gobyerno ni Prime Minister Mohammad Mosaddegh. Ganito rin ang kanilang naging ‘formula” sa Iraq, Syria, Libya, Ukraine, at kamakailan lang, sa Venezuela.

Marami sa atin ang “bumilib” noon sa pagsalakay ng mga Kano sa Iraq upang pabagsakin si Saddam Hussein subalit ang itinago sa publiko, ang “male-maletang dolyar” na ibinayad sa mga heneral ni Saddam upang huwag ipagtanggol ang sarili nilang bansa at gobyerno.

Dito naman sa atin, hindi na kailangang gawing KORAP ng mga Kano ang ilan nating mga opisyal para mangyari ang balana nilang kapritso. Bakit kailangan pa? Eh “matagal” na silang korap! He he he!

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here