Home NATIONWIDE 2 DPWH engineer, sibak sa pagkamatay ng lalaking nasyut sa manhole sa...

2 DPWH engineer, sibak sa pagkamatay ng lalaking nasyut sa manhole sa Angeles

2
0

MANILA, Philippines — Sinibak ni Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Vince Dizon sa kanilang puwesto ang dalawang opisyal ng Pampanga 3rd District Engineering Office kasunod ng pagkamatay ng isang lalaking nahulog sa bukas na drainage canal sa Angeles City.

Agad na inalis sa kanilang tungkulin sina OIC District Engineer Aser Mallari at OIC Assistant District Engineer Agustin Dagsaan Jr. dahil sa umano’y kabiguang sumunod sa kinakailangang road safety standards.

Sa memorandum ni Dizon, sinabi nitong kabilang sa dahilan ng kanilang relief ang hindi pagsunod sa required safety standards at iba pang infractions.

Kaugnay ito ng pagkamatay ni Reiner Novero, na nahulog sa binahang bukas na drainage canal sa kahabaan ng Fil-Am Friendship Highway sa Barangay Cutcut, Angeles City noong Agosto 28.

Nakunan ng CCTV ang insidente at kumalat ang video nito sa social media.

Iniutos din ni Dizon kina Mallari at Dagsaan na kumpletuhin ang inventory at lahat ng pending documents at deliverables bago pormal na i-turn over ang mga opisyal na dokumento sa kaukulang tanggapan.

Epektibo agad ang pagkakatanggal sa dalawa sa kanilang mga puwesto. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here