Home NATIONWIDE 26 Pinoy seafarers sa Ukraine, ligtas sa atake; pauuwiin na ng DMW

26 Pinoy seafarers sa Ukraine, ligtas sa atake; pauuwiin na ng DMW

2
0

MANILA, Philippines — Ligtas ang 26 Filipino seafarers na sakay ng bulk carrier Gingo matapos atakihin ang kanilang barko habang nakadaong sa Ukraine noong Setyembre 2, ayon sa Department of Migrant Workers (DMW).

Sinabi ng DMW na ligtas nang nakababa sa barko ang lahat ng 26 tripulante noong Setyembre 4 at walang naiulat na nasaktan sa kanila. Kasalukuyan silang hinihintay na mailipat sa Moldova bago ang kanilang repatriation sa Pilipinas.

Nakikipag-ugnayan ang Philippine Embassy in Warsaw, Honorary Consul in Kyiv at Migrant Workers Office in Prague sa mga kinauukulang awtoridad para mapabilis ang kanilang pag-uwi.

Ayon kay Labor Attaché Llewelyn Perez, katuwang din sa pagproseso ng kinakailangang travel documents ang shipowner at iba pang awtoridad.

Tinitiyak din ng DMW, kasama ang licensed manning agency at shipowner, na natutugunan ang agarang pangangailangan ng mga seafarer habang inaayos ang kanilang biyahe pauwi.

Patuloy namang mino-monitor ng pamahalaan ang kanilang kalagayan hanggang sa ligtas silang makabalik sa Pilipinas. Dave Medina

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here