Home NATIONWIDE Shear line, Amihan nakakaapekto sa Luzon

Shear line, Amihan nakakaapekto sa Luzon

1
0

MANILA, Philippines – Apektado ng shear line ang silangang bahagi ng Southern Luzon habang Amihan naman ang nakakaapekto sa Northern at Central Luzon ngayong Linggo, Nobyembre 8.

Ayon sa PAGASA, ang Aurora, Quezon, at Camarines Norte ay makararanas ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at isolated thunderstorms dahil sa shear line.

Ang Eastern Visayas, Central Visayas, Caraga, Northern Mindanao, Zamboanga Peninsula, at Davao Oriental ay magkakaroon naman ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorms dahil sa easterlies.

Maulap na kalangitan na may mahihinang pag-ulan naman ang iiral sa Cagayan Valley, Apayao, Kalinga, Mountain Province, at Ifugao dahil sa Amihan.

Samantala, ang Ilocos Region, nalalabing bahagi ng Cordillera Administrative Region, at nalalabing bahagi ng Central Luzon ay makararanas ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may isolated light rains dahil sa Amihan.

Habang ang Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa ay magkakaroon ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may isolated rainshowers o thunderstorms dahil sa easterlies. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here