Manila, Philippines – Aminado si John Lapus na nagkaroon siya ng takot o phobia na lumapit sa refrigerator dahil sa episode na Pridyider sa pelikulang “Shake Rattle & Roll.”
Pagbabalik tanaw ni John, “That’s the magic of Shake Rattle and Roll, talagang it gets into your mind. Matatakutin akong tao, pero kapag may Shake Rattle and Roll, pinapanood ko talaga sa sinehan.
“Classic iyong mga Shake Rattle and Roll, iyong Pridyider after watching it, hindi ko binubuksan iyong ref namin for two weeks. Iyong nanay ko ay galit na galit na sa akin.
“Second is the Aswang episode of Manilyn (Reynes) and Ana Roces, iyong niyaya ni Ana si Manilyn sa kanilang fiesta sa probinsiya, all along, si Manilyn pala ang handa.
“After niyon, for three years hindi ako sumasama… kapag ini-invite ako ng friends ko out of town, sa probinsiya nila, hindi ako sumasama, kasi feeling ko ay gagawin akong handa.”
Ganito raw talaga katindi ang epekto sa mga Pinoy ng Shake Rattle and Roll, ayon kay John.
Sa ginanap na launching ng Shake Rattle Roll x BingoPlus, muling binalikan ang mga eksenang tumatak sa kamalayan ng mga Pinoy, kabilang ang mga hindi malilimutang kontribusyon nina Janice de Belen, JC de Vera, at John sa nasabing horror franchise.
Present din dito ang mag-inang Roselle Monteverde at Keith Monteverde.
Sa mga henerasyon ng mga Filipino, ginawang nakatatakot ng Shake, Rattle & Roll maging ang mga pinakapangkaraniwang lugar at nag-iwan ng mga kuwentong katatakutan na naging bahagi na ng mga alaala ng kabataan at pop culture ng Filipinas.
Paglipas ng mahigit apat na dekada, nakahanap ng bagong tahanan ang mga pamilyar na katatakutan, hatid ng Regal Entertainment at BingoPlus ang klasikong horror franchise sa interactive digital gaming.
Ang pagsasanib-puwersang ito ay naghatid ng Regal’s legacy sa Filipino filmmaking at digital entertainment platform, na nagpakilala sa limang orihinal na games na naging inspirasyon ng mga sikat na franchise: Manananggal, Reyna Ahas, Triple Terror, LRT Monster, at Aswang.
Unang ipinalabas noong 1984, ang Shake, Rattle & Roll na gumugol ng mga dekada sa pag-aliw at pananakot sa mga Pinoy na manonood sa pamamagitan ng mga kuwentong inspirasyon ng lokal na alamat, mitolohiyang Filipino, at ‘di-malilimutang mga kathang-isip na karakter.
Ang mga pamilyar na halimaw na ito ay nanatiling bahagi ng mga usapan kahit matagal nang nakaalis ang mga manonood sa sinehan.
Para sa Regal Entertainment, ang pagdadala ng prangkisa sa mundo ng gaming ay isang pagkakataon upang ipakilala ang mga kuwentong ito sa panibagong henerasyon, nang hindi nawawala ang kanilang tatak bilang Pinoy. Nonie Nicasio