Home ENTERTAINMENT Alden, idinamay sa naiwang hospital bill ni Ate Gay!

Alden, idinamay sa naiwang hospital bill ni Ate Gay!

2
0

Manila, Philippines – May panawagan si Xian Gaza kay Alden Richards na bayaran na lang nito ang naiwang balanse sa ospital ng yumaong komedyanteng si Ate Gay.

Umabot kasi sa tatlong milyon ang hospital bill ni Ate Gay na nakipaglaban sa sakit niyang cancer hanggang sa tuluyan na itong pumanaw noong November 1.

Sa kanyang Facebook post, nagpaabot si Xian ng pakikiramay sa pamilya ni Ate Gay kasunod ang panawagang na sana ay matulungan ni Alden ang naiwang pamilya ng komedyante.

“May his soul rest in peace. Nananawagan po kami kay Mr. Alden Richards na bayaran ‘yung 3 million pesos na hospital bill ni Ate Gay kasi hindi malaman ng kanyang pamilya kung saan kukuha ng pambayad,” saad ni Xian.

“Alang-alang sa pinagsamahan. Alam ko na mayaman at may mabuting puso si Alden,” dagdag pa ni Xian.

Sa ngayon ay wala pa namang reaksyon o inilalabas na pahayag si Alden sa panawagan sa kanya ni Xian. Rommel Placente

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here