Home NATIONWIDE Pacquiao, itinalaga ni PBBM na hepe ng National Anti-Poverty Commission

Pacquiao, itinalaga ni PBBM na hepe ng National Anti-Poverty Commission

4
0

MANILA, Philippines — Itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si dating Senador at boxing champion Manny Pacquiao bilang bagong lead convenor ng National Anti-Poverty Commission (NAPC) na may ranggong Cabinet secretary.

Nakatakdang manumpa si Pacquiao sa harap ni Marcos sa Malacañang ngayong Martes, Setyembre 8. Papalitan niya sa puwesto si Lope Santos III.

Sa ilalim ng Republic Act No. 8425 o Social Reform and Poverty Alleviation Act, ang NAPC ang coordinating at advisory body ng pamahalaan para sa pagpapatupad ng mga programa laban sa kahirapan.

Ang Pangulo ang chairperson ng komisyon habang ang lead convenor ang namumuno sa NAPC Secretariat at binibigyan ng ranggong Cabinet secretary.

Babalik sa government service si Pacquiao matapos magsilbing Sarangani representative mula 2010 hanggang 2016 at senador mula 2016 hanggang 2022.

Tumakbo siyang pangulo noong 2022 at muling nagtangkang makabalik sa Senado noong 2025 ngunit hindi pinalad na makakuha ng puwesto.

Bilang NAPC lead convenor, mangunguna si Pacquiao sa koordinasyon ng mga programa ng national at local governments para sa poverty alleviation at sa pagpapalakas ng partisipasyon ng mga basic sector sa pagbuo at pagpapatupad ng mga polisiya. Kris Jose

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here