Home NATIONWIDE Subpoena kay VP Sara, hihilingin ng prosecution panel pagkatapos mailatag apat na...

Subpoena kay VP Sara, hihilingin ng prosecution panel pagkatapos mailatag apat na artikulo ng impeachment – Kapunan

3
0

MANILA, Philippines – Plano ng House prosecution panel na humiling ng subpoena para kay Vice President Sara  Duterte ngunit sa sandaling matapos na nitong maiprisenta ang lahat ng apat na artikulo ng impeachment.

Ito ang inihayag ni Lead Private Prosecutor Atty. Lorna Kapunan sa pagsisimula ng ika-23 araw ng paglilitis nitong Martes, Setyembre 8.

Ayon kay Kapunan, hindi pa nila hihilingin ang agarang pagpapalabas ng subpoena sa ngayon dahil nakatutok muna sila sa paglalahad ng ebidensya at ang pagharap kay VP Duterte ay gagawin sa dulo ng proseso.

“At the end of all of these articles, we reserve the right to present the Vice President herself,” ani Kapunan.

Hinimok ni Kapunan si VP Duterte na humarap, igalang ang proseso ng impeachment, at patunayan ang iginigiit nitong kawalan ng sala.

Kasabay nito, inihayag din ng panel ang desisyong huwag na ituloy ang natitirang 15 sa orihinal na 27 testigo para sa Article I o  maling paggamit ng mga confidential fund matapos ang kanilang mahabang diskusyon.

Sa 27 testigo na inilagay ng prosekusyon sa kanilang pre trial brief ay 10 ang kanilang iniharap na testigo sa trial.

“After a long meeting last night and towards this morning, just before this hearing, the prosecution, both public and private prosecutors decided to forego not only with the witnesses subpoenaed for today, but wull all the remaining 15 witnesses”paliwanag ni Kapunan.

Kabilang sa mga hindi na haharap sina Police Major Jovelyn Magay, Sunshine Fajarda, at Bresilio Sabaldan, bunga nito ay opisyal nang tinapos ng prosekusyon ang kanilang argumento para sa nasabing artikulo subalit mayroon itong reservation para sa pagpapatawag pa sa dalawang testigo kung kinakailangan pa pagdating sa dulo.

Ipinaliwanag ni Kapunan na ang kanilang desisyon na hindi na iprisinta ang iba pang testigi ay dahil na rin sa malinaw na sa mga naunang testigo na iisa ang kanilang tinuturo at ito ay si VP Duterte.

Inihalintulad ni Kapunan ang mga naunang testigo sa mga piyesa sa chess na nagtuturo sa iisang tao, ang bise presidente,  bilang pangunahing may pananagutan.

Matapos ang Article I sa confidential funds, sunod na ilalahad ng prosekusyon ang mga alegasyon sa unexplained wealth (Article II) at kasunud ang bribery (Article III). Gail Mendoza

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here