MANILA, Philippines – Patuloy na humihina ang piso kontra dolyar at umabot sa ₱62.625 kada US$1 nitong Martes, Setyembre 8, 2026, panibagong record low matapos ang ₱62.59 na closing rate noong Biyernes, Setyembre 4.
Ayon sa mga ekonomista, kabilang sa pangunahing dahilan ng paghina ng piso ang mataas na presyo ng langis, tensiyon sa Middle East, malakas na demand para sa dolyar, mataas na US bond yields at mga alalahanin sa inflation. Malaking epekto ito sa Pilipinas dahil umaasa ang bansa sa imported fuel at iba pang produkto.
Ayon pa sa pag-aaral, maaaring manatiling volatile ang piso at makapagtala pa ng panibagong lows kung magpapatuloy ang external pressures, partikular ang mataas na presyo ng langis, global yields at inaasahang paghihigpit ng US monetary policy. RNT/MDS