Home METRO Bangkay ng lalaking nilamon ng ilog sa Calumpit, umalsa sa isla sa...

Bangkay ng lalaking nilamon ng ilog sa Calumpit, umalsa sa isla sa Hagonoy

3
0

BULACAN, Philippines – Isang bangkay ng lalaki ang natagpuang ng mga bangkero na palutang-lutang sa ilog ng isla sa bayan ng Hagonoy nitong September 8.

Sa ulat, ang palutang-lutang na bangkay ng lalaki ay pawang nakasuot ng damit na itim.

Ayon sa ulat, unang namataan ang bangkay nitong umaga sa ilog sakop ng Isla Tibaguin hanggang sa mapadpad sa pampang ng Brgy. Sta. Elena.

Sinusulat ito, nalamang ang bangkay ay nakilalang si alyas “Rey” pawang residente ng Calumpit, ayon na rin sa Facebook post na nagviral patungkol sa lalaking tinangay ng agos sa Sto Niño river bandang 4:30 ng hapon nitong September 6

Ilang kakilala at kaanak na netizen ang nagsabing si alyas Rey na nga ang natagpuang palutang-lutang sa ilog ng Hagonoy.

Maraming mga kaanak at kakkilalang netizen ang nagpaabot ng pakikiramay sa biktima at naiwang mahal sa buhay nito. (Dick Mirasol III)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here