MANILA, Philippines – Nakakuha ng mas mababang pondo ang dalawang flagship program ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa ilalim ng proposed 2027 National Expenditure Program (NEP).
Ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) ay pinaglaanan lamang ng P99.1 bilyon sa 2027 sakop ang 3.5 milyong pamilya.
Para sa 2026, ang DSWD ay nakatanggap ng P112.9 bilyon para sa 4.4 milyong pamilya.
Noong 2025, itinakda ang poverty threshold o minimum income na kailangan para sa pamilya na maabot ang basic food at non-food needs nito sa national average na P14,634 kada buwan mula sa P13,873 noong 2023.
Nangangahulugan ito na ang pamilya na ang monthly income ay mas mababa sa threshold ay ikinokonsiderang mahirap.
Sa arawang basehan, ang poverty threshold na katumbas dito ay P487.
Para sa tipikal na pamilya na may limang miyembro, ito naman ay P97 kada tao kada araw.
Ang poor at near-poor families, o kumikita ng 10 percent na mas mataas sa poverty threshold, ay kasama rin sa mga benepisyaryo ng 4Ps program.
Ngunit sinabi ni DSWD Secretary Rex Gatchalian na dapat isama ang near-poor families o ang mga kumikita ng 25 percent na mas mataas sa poverty threshold.
“We met with PSA (Philippine Statistics Authority) yesterday. It is high time to revisit the statistical definition of the near poor so that it is not only limited to 10% above the poverty threshold but up to 25% above the threshold because these are households with the same characteristic of poor but just above the poverty line,” paliwanag ni Gatchalian.
Samantala, nakaranas din ng budget cut ang badyet para sa social pension ng indigent senior citizens mula sa P51.8 bilyon ngayong taon s P51.8 bilyon paea sa 2027 NEP.
Binawasan din ang badyet para sa Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS), sa P63.9 bilyon ngayong 2026 sa P33 bilyon sa ilalim ng 2027 NEP.
Nagpahayag ng pangamba ang ilang mambaabatas sa posibilidad na magamit ang pondo ng AICS para sa politika.
“Iyong AICS naman, may proseso siyang pinagdaraanan. Anybody can refer, pero dadaan pa rin yan sa masusing pagsusuri at pag-aaral ng ating mga social worker. The vetting process is there. That’s our safety net.” RNT/JGC