Home ENTERTAINMENT Coco, nagpasalamat sa guidance ni Julia!

Coco, nagpasalamat sa guidance ni Julia!

1
0

Manila, Philippines – Itinuturing ni Coco Martin na “hulog ng langit” sa kanyang buhay si Julia Montres.

Kaya naman puro pasasalamat na lamang ang nasasambit niya sa Itaas.

“Napakalaki talaga ng na-improve ko personally sa buhay ko. Napakarami nang naitulong niya sa akin, lalong-lalo na sa growth ko, sa personalidad ko, sa mga pananaw ko sa buhay,” sabi ni Coco sa inilabas na video ng CCM Film Productions.

Pagpapatuloy pa ng award-winning actor, “Hindi naman magiging ganito ang direksyon ng buhay ko kung hindi rin dahil kay Juls, eh.

“Kasi siya ‘yung naging daan at siya ang naging guide ko.”

Natanong naman si Julia kung keri rin ba niyang manirahan kasama si Coco sa isang lugar tulad ng Ginintuang Lupa na napapanood sa “Sigabo” kung saan maraming nakatirang mahihirap.

Sagot niya, kakayanin daw niya basta ang kasama niya ay si Coco at ang iba pa niyang mga mahal sa buhay.

“Saka laki rin naman kami sa hirap, hindi naman kami laki sa yaman. Kumbaga lahat naman ng blessing na dumarating sa amin ngayon, pinaghirapan, pinagtrabahuhan, pinag-ipunan,” sey ni Julia.

Sinang-ayunan naman ni Coco si Julia at nagpaalala na bininigyan ng Diyos ng mga pagsubok ang isang tao para mas tumatag sa buhay at mas kumapit pa sa pananampalataya. Rommel Placente

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here