Home NATIONWIDE Good performance ng Pinas sa pinakabagong PISA ikinatuwa ni PBBM

Good performance ng Pinas sa pinakabagong PISA ikinatuwa ni PBBM

1
0

MANILA, Philippines – IKINATUWA ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang ‘good performance’ ng Pilipinas sa pinakabagong Programme for International Student Assessment (PISA).

Nagkapagtala kasi ang bansa ng pinakamataas na iskor sa “Pagbasa, Matematika at Agham.”

Sa video statement ng Pangulo, araw ng Martes, Setyembre 8 na mapapanood sa kaniyang opisyal na Facebook page, sinabi ng Chief Executive na nakatanggap ang Pilipinas ng “napakagandang balita” mula sa PISA, isang international assessment na sumusukat sa performance ng mga mag-aaral at tumitingin sa kalidad ng education systems ng iba’t ibang bansa.

“Ipagpapatuloy at lalo pa nating paiigtingin ang ating mga programa upang mas mapaganda ang edukasyon at kinabukasan ng bawat batang Pilipino,” ayon pa sa Pangulo.

Ipinagmalaki ng Pangulo ang mataas at good performance ng Pilipinas sa lahat ng tatlong larangan na sinusukat sa naturang assessment—reading, mathematics at science.

ipinagmalaki rin ng Pangulo ang paglalarawan sa Pilipinas bilang isa sa iilang education systems na nakapagtala ng improvement sa lahat ng domain.

“The Philippines is among the few education systems improving across all domains,” ayon sa Pangulo.

Aniya, itinuturing ang Pilipinas na isa sa “fastest improving educational systems globally,” habang pinakamalakas naman ang pangmatagalang improvement nito sa reading kumpara sa mga participating education systems.

Ang pagtaas aniya ng bilang ng mga mag-aaral na umabot sa Level 2 reading proficiency, o mga mag-aaral na may kakayahang magbasa sa itinakdang antas.

Patunay lamang aniya ito kung gaano kagagaling at kasipag ang mga Pilipinong mag-aaral, gayundin kung gaano kahuhusay ang mga guro kapag nabibigyan ng sapat na suporta.

Sa kabilang dako, para sa Pangulo, hindi lamang gobyerno ang may papel sa pagpapabuti ng edukasyon. Mahalaga rin umano ang pakikiisa ng mga magulang, komunidad at iba pang Pilipinong tumutulong para magkaroon ng mas magandang kinabukasan ang mga kabataan.

Dahil dito, siniguro ng Panulo na ipagpapatuloy ng kaniyang administrasyon ang mga programang nakatuon sa pagpapabuti ng edukasyon.

Kabilang dito, ayon sa Pangulo, ang pagtatayo ng mga classroom, pagbibigay ng internet access at computers, pamamahagi ng school supplies, at pag-imprenta ng mga libro para sa mga mag-aaral.

“Nagsisimula pa lang tayo. Ipapagpapatuloy natin ito,” aniya.

Sinabi rin niya na nakikita na umano ang positibong resulta kapag nagkakaisa ang iba’t ibang sektor sa layuning mapabuti ang kalagayan ng mga mag-aaral.

Dahil dito, tiniyak ng Pangulo na hindi titigil ang kaniyang administrasyon sa mga hakbang para sa sektor ng edukasyon.

“Hindi po natin titigilan ’yan. Mas lalo pa natin didiinan ang ating seryosong pagtutugon.”

Samantala, pinasalamatan naman ng Pangulo ang mga guro, magulang, komunidad at lahat ng patuloy na sumusuporta sa pagpapabuti ng edukasyon para sa mga batang Pilipino.

Nauna rito, ibinalita ni Department of Education (DepEd) ang usaping na ito sa ginanap na launching ng national results sa Caloocan City Science High School, araw ng Martes, Setyembre 8. KRIS JOSE

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here