MANILA, Philippines – Magpapatupad ang Department of Transportation (DOTr) ng agarang hakbang para maibsan ang mahahabang pila at siksikan sa LRT-1 PITX Station.
Ininspeksyon ni DOTr Secretary Vince Dizon ang istasyon nitong Lunes, Nobyembre 9, matapos ang mga reklamo ng mga commuter tungkol sa matinding pagsisikip at palaging mahabang pila.










