Home NATIONWIDE Ama kinatay ng anak na may problema sa pag-iisip

Ama kinatay ng anak na may problema sa pag-iisip

4
0

Bulacan – Patay ang isang haligi ng tahanan matapos pagsasaksakin ng sariling anak na umano’y may problema sa pag-iisip sa lungsod ng Meycauayan nitong Setyembre 8.

Sa ulat ng Meycauayan police station, naganap ang madugong insidente bandang 12:45 ng tanghali sa kanilang bahay sa Villa Samantaha, Brgy. Lawa.

Batay sa inisyal na imbestigasyon at ayon na rin saksi, nakarinig sila ng ingay at sigawan mula sa kanilang kapitbahay kaya sinilip nila ito.

Dahil dito, nakita nila ang suspek na paulit-ulit na pinagsasaksak ang kalunos-lunos na biktima sa ibat-ibang parte ng kanyang katawan.

Agad na tumakas ang suspek at nagtago sa madamo at masukal na bahagi sa gilid ng ilog ng nasabing lugar.

Nang makarating sa pulisya ang nangyari ay agad nagsagawa ng hot pursuit operation katuwang ang BPATs ng barangay at mga residente kaya nahuli ang suspek kalaunan.

Ang suspek ay kasalukuyang nasa kustodiya na ng istasyon para sa kaukulang dokumentasyon, imbestigasyon at disposisyon.

Sinasabing patuloy na inaalam ng mga awtoridad ang buong pangyayari at motibo sa insidente. Dick Mirasol III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here