Home NATIONWIDE 1,400 na patay sa delubyong baha sa Nepal

1,400 na patay sa delubyong baha sa Nepal

3
0

NEPAL – Umakyat na sa 1,400 ang bilang ng mga nasawi dahil sa matinding baha at mudslide na tumama sa Nepal-China border noong nakaraang buwan.

Sa kasalukuyan ay mayroon pang 5,800 ang nawawala.

Nasa 848 sa mga nawawala ang mga dayuhan, ayon sa official data mula sa Nepal at China.

Mayroong 1,357 labi ang narekober mula sa mga apektadong distrito sa Nepal, habang 5,326 katao kabilang ang 587 dayuhan ang nananatiling missing ayon sa Nepal National Disaster Risk Reduction and Management Authority.

Nasagip naman ang mahigit 13,500 indibidwal.

Samantala, nananatili naman sa 43 ang bilang ng death toll sa southwestern Xizang Autonomous Region ng China o kilala bilang Tibet, habang 519 ang nawaala. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here