Home NATIONWIDE Higit 9.M indibidwal apektado ng Habagat, apat na bagyo – NDRRMC

Higit 9.M indibidwal apektado ng Habagat, apat na bagyo – NDRRMC

4
0

MANILA, Philippines – Mahigit 9.6 milyong indibidwal ang apektado ng nagsanib na epekto ng Habagat at mga bagyong Luis, Maymay, Neneng at Pilandok.

Sa Situational Report No. 37 na inilabas ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), Miyerkules ng umaga, Setyembre 9, sinabi nito na may kabuuang 9,614,020 katao o 2,781,245 pamilya, apektado sa 10 rehiyon, 39 lalawigan, 468 lungsod at munisipalidad at 6,551 barangay.

Sa apektadong populasyon, 162,057 katao ang na-displaced at nananatili sa 820 evacuation centers.

Iniulat ng report na ang 7,478 katao ay pre-emptively evacuated, kabilang na ang 2,472 indibiduwal mula Regions 1, 3, CALABARZON at MIMAROPA.

“The disasters have left 44 people dead, 18 injured and five missing,” ayon sa konseho.

Sa napaulat na nasawi, 12 ang kumpirmado habang 32 ang nananatiling ‘for validation.’ Mayroon namang 12 ang kumpirmadong nasugatan habang anim naman ang nananatiling bina-validate.

“All five missing persons have been confirmed as missing,” ayon sa NDRRMC.

Ang pinagsamang epekto ng weather disturbances ay nagresulta ng 1,830 flooded areas sa Regions 1, 3, CALABARZON, MIMAROPA, 6 at 9, at maging sa National Capital Region.

Nakapagtala rin ang NDRRMC ng 79 iba pang kaugnay na insidente kabilang na ang rain-induced landslides, gumuhong istraktura, at tornadoes o destructive at malakas na hangin.

May kabuuang 4,361 bahay ang napinsala, kabilang na ang 3,758 partially damaged at 603 totally damaged na bahay.

Samantala, tinatayang umabot na sa P8.30 billion ang pinsala sa imprastraktura na may 1,383 pasilidad kabilang na ang flood-control structures, government facilities, mga tulay, eskuwelahan, lansangan at health facilities.

Nagtamo naman ang agricultural sector P4.12 bilyong halaga ng pinsala, naapektuhan ang 92,953 magsasaka at mangingisda at 80,274.44 ektarya ng mga pananim, ayon sa ulat. KRIS JOSE

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here