Home ENTERTAINMENT Dahilan ng hindi pagtatanggol ni Ipe kay Josh, inihayag!

Dahilan ng hindi pagtatanggol ni Ipe kay Josh, inihayag!

2
0

Manila, Philippines – Sino’ng maysabing wapakels si Phillip Salvador sa isyung sangkot ang kanyang anak kay Kris Aquino na si Josh?

Ito ang paksang tinalakay sa Showbiz Now Na nina Cristy Fermin at Romel Tsika.

Inilatag kasi ng nasabing programa ang dahilan sa likod ng pananahimik ni Ipe (palayaw ng aktor).

Sinumulan ni Cristy ang kanilang recent episode sa mismong panawagan nila na dapat nang magsalita si Ipe sa isyung pangungutya kay Josh ng isang podcast.

Quoting her source, ayon kay Cristy–kapag nagsalita daw ang aktor ay lalo lang magdudulot ito ng problema.

iPag nagsalita daw po siya, eh, mas matindi pang scenario ang magaganap.

“Sino ba namang magulang ang ayaw ipagtanggol ang anak? Eh, tatay siya ni Josh!

Kaya lang, may kasunduan na daw pala sila ni Kris–na wala na siyang pakialam kay Josh, na huwag na niyang pakialaman ito!

Kay Kris mismo nanggaling ‘yon. At bilang respeto, sinusunod lang ni Ipe ang gustong mangyari ni Kris.

Eh, kahit nga banggit ng pangalan ni Josh, ipinagbawal ni Kris kay Kuya Ipe.

“Kaya naman nasabi ‘yon ni Kris, may matindi ding dahilan. Alangan namang basta sinabi lang niya ‘yon kay Kuya Ipe nang walang kadahi-dahilan.”

Given this situation, ikinalungkot ito ng dalawang SNN hosts.

Nagtatanong mismo si Cristy kung ano ang pinag-ugatan ng ultimatum ni Kris kay Phillip.

Nakakalungkot isiping gustung-gusto mong samahan ang anak mo sa laban, pero nakatali ang mga kamay mo.

“Eh, sina Kris at kuya Ipe lang naman ang nakakaalam ng dahilan kung bakit hindi nagsasalita ang ama sa sitwasyon ng anak,” ani Cristy.

Ang tinutukoy na kasunduan daw nina Kris at Phillip ay matagal nang panahon pa–which the latter still keeps and honors.

So there. Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here