Home ENTERTAINMENT Klarisse, nagluluksa sa pagpanaw ng ina!

Klarisse, nagluluksa sa pagpanaw ng ina!

2
0

Manila, Philippines – Nagluluksa ngayon ang singer-actress na si Klarisse de Guzman sa pagpanaw ng kanyang inang si Esnobie de Guzman.

Sa kanyang Instagram, Klarisse posted a photo with her head down at umiiyak habang nakaratay ang ina sa pagamutan.

She wrote: “Mahal na mahal kita, Mama ko. Iyakap mo na lang ako kay Papa, ah. Mahal na mahal ko kayo.”

At presstime, hindi malinaw ang sanhi ng pagkamatay ng ina ng Kapamılya star.

Nito lang October 20, humingi pa ng panalangin si Klarisse para sa kundisyon ng ina.

She coursed her appeal through her IG broadcast channel.

Saad niya’y nangangamba siya, sabay hingi ng dasal.

Dinagsa naman ng mga mensahe ng pakikiramay mula sa mga friends at supporters ni Klarisse ang comment section sa kanyang post.

“Ate…mahigpit na yakap,” ani Will Ashley.

“Ate Klang, condolences. Mahigpit na mahigpit na yakap with crying emoji,” ayon kay Xvriel Manabat.

“Deepest condolences, Ate Klang,” sabi naman ni River Joseph.

“Ate, I love you,” ani Mika Salamanca.

Nakiramay din via their messages sina Ashley Ortega, Brent Manalo at Shuvee Etrata.

Gayundin ang mga kapwa niya singer na sina Angeline Quinto, KZ Tandingan, Rita Daniela at Gary Valenciano.

Mula sa Remate Online, ang aming taospusong pakikidalamhati kay Klarisse de Guzman. Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here