MANILA, Philippines – Nagresulta sa pagharang ng 15 trailer truck na may dalang tinatayang P960 milyong halaga ng hinihinalang ismagel at iligal na sigarilyo ang follow-up operation ng Police Regional Office 3 (PRO3) sa Pampanga nitong Miyerkules, Setyembre 9.
Ang operasyon ay resulta ng naunang pagharang sa Mabalacat City, kung saan natagpuan ang isang sasakyan na may kargang 759 na malalaking kahon ng pinaghihinalaang sigarilyo.







