Home NATIONWIDE ‘Doble-bayad’ sa 2019 SEA Games cauldron, sinisilip ng NBI

‘Doble-bayad’ sa 2019 SEA Games cauldron, sinisilip ng NBI

4
0

MANILA, Philippines — Sinisiyasat ng National Bureau of Investigation (NBI) ang posibleng dobleng pagbabayad at overpricing sa cauldron na ginamit sa 2019 Southeast Asian Games sa New Clark City, Tarlac.

Sa isang radio interview, sinabi ni NBI Director Melvin Matibag na may dalawang karagdagang testigong nagsumite ng testimonya at mga dokumento sa mga imbestigador.

Ayon kay Matibag, may nakita silang entry sa isang dokumento na tila nagpapakitang dalawang beses binayaran ang cauldron. Patuloy pa nilang inaalam ang detalye ng mga transaksiyon.

Sinabi rin niyang dapat umanong nasa P30 milyon lamang ang halaga ng proyekto, taliwas sa idineklarang P55 milyon.

“We saw what appeared to be double payments,” ani Matibag.

Nakatakda sanang simulan ng NBI ang pagsasampa ng mga kaso ngayong linggo, ngunit sinabi ni Matibag na kailangan munang masusing suriin at itugma ang bagong ebidensiya sa mga naunang dokumentong nakuha ng ahensya.

Nilinaw niyang pangunahing nakatuon ang imbestigasyon sa mga pasilidad na itinayo ng Philippine Southeast Asian Games Organizing Committee, at hindi sa mga proyektong direktang pinangasiwaan ng Bases Conversion and Development Authority.

Tumanggap ang organizing committee ng pondo mula sa Philippine Olympic Committee, Philippine Sports Commission at Philippine Amusement and Gaming Corporation.

Wala pang inihahayag na pangalan ng mga posibleng mananagot at wala pang kasong naisasampa kaugnay ng pinaghihinalaang dobleng pagbabayad. Dave Medina

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here