Home NATIONWIDE ‘Mahiya naman kayo’ remark ni Teodoro vs China, nirerespeto ng DFA

‘Mahiya naman kayo’ remark ni Teodoro vs China, nirerespeto ng DFA

4
0

MANILA, Philippines — Iginagalang ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang naging pahayag ni Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr. laban sa China kaugnay ng patuloy nitong pagtanggi sa 2016 arbitral ruling sa South China Sea.

“We respect the statement and views of Secretary Teodoro. Other than that, I do not wish to further comment,” sinabi ni DFA spokesperson Assistant Secretary Analyn Ratonel sa press briefing sa Malacañang nitong Miyerkoles.

Ginawa ni Teodoro ang pahayag sa Seoul Defense Dialogue sa South Korea matapos iabot sa kanya habang nagsasalita ang isang note na naglalaman ng posisyon ng Beijing sa arbitral ruling.

Ayon sa Yonhap News Agency, sinabi ng mga organizer na nagmula ang note sa military attaché ng Chinese Embassy sa Seoul.

Nakasulat dito na itinuturing ng China na ilegal, walang bisa at labag sa mga pangunahing prinsipyo ng international law ang arbitration at ang naging desisyon nito.

Kinuwestiyon naman ni Teodoro ang naturang paninindigan dahil isinagawa ang arbitration sa ilalim ng United Nations Convention on the Law of the Sea, na nilagdaan din ng China.

“China neither accepts nor recognizes the Award. Of course, because you lost,” tugon niya.

Binatikos din ng kalihim ang paraan ng pag-abot ng note habang sinasagot niya ang tanong sa forum, na aniya’y kawalan ng respeto sa mga organizer, audience at South Korea bilang host.

“Maging disente lang kayo nang konti. Mahiya naman kayo nang konti,” pahayag ni Teodoro.

Noong 2016, ibinasura ng arbitral tribunal ang legal na batayan ng malawak na pag-angkin ng China sa South China Sea. Patuloy itong hindi kinikilala ng Beijing. Dave Medina

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here