Home NATIONWIDE Pinas, pinalalakas maritime sector, critical mineral industry — PBBM

Pinas, pinalalakas maritime sector, critical mineral industry — PBBM

3
0

MANILA, Philippines – Sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na pinalalakas pa ng Pilipinas ang kakayahan nito upang maging isang competitive maritime hub at pangunahing partner sa produksyon ng critical minerals.

Sa kaniyang talumpati sa 2026 Luzon Economic Corridor (LEC) Investment Forum sa Taguig City, sinabi ng Chief Executive na malaki ang maitutulong ng estratehikong lokasyon ng bansa at ng mga manggagawa nito upang mapaunlad ang shipbuilding, ship repair, marine engineering, at iba pang industriyang pandagat.

“Our location and skilled workforce likewise provide a strong foundation for shipbuilding, ship repair, marine engineering, and other maritime industries. We are developing the capabilities needed to establish the Philippines as a more competitive maritime hub,” ayon kay Pangulong Marcos.

Ilang dayuhang kumpanya sa shipbuilding ang kasalukuyang nag-ooperate sa Cebu, Subic, at Batangas, dahilan upang maging malaking pinagkukunan ng trabaho at export revenues ang naturang sektor para sa bansa.

Kasabay nito, sinabi ng Pangulo na estratehikong pinauunlad din ng Pilipinas ang sektor ng critical minerals upang hindi lamang manatiling nakatuon sa extraction at pag-export ng hilaw na resources.

Sa halip, sinabi ng Pangulo na layunin ng bansa na magkaroon ng value-adding sa pamamagitan ng domestic processing, manufacturing, research, at innovation, habang tinitiyak ang mahigpit na environmental safeguards at malinaw na pakinabang para sa mga apektadong komunidad.

Ang Luzon Economic Corridor ay nag-uugnay sa Subic Bay, Clark, Manila, at Batangas. Ito ang pinakamalaking economic engine ng Pilipinas, na kumakatawan sa tinatayang 50 porsiyento ng gross domestic product (GDP) ng bansa at nagsisilbing sentro ng manufacturing, logistics, at trade. (KRIS JOSE)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here