Home NATIONWIDE Seguridad ni VP Sara sa arraignment, tiniyak ng NCRPO

Seguridad ni VP Sara sa arraignment, tiniyak ng NCRPO

3
0

QUEZON CITY, Philippines – Tiniyak ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang seguridad ni Vice President Sara Duterte sa kanyang arraignment sa Quezon City Regional Trial Court ngayong Biyernes, Setyembre 11.

Ayon kay NCRPO officer in charge Brig. Gen. Christopher Abrahano, ibibigay ng pulisya ang lahat ng kinakailangang seguridad para sa bise presidente.

“We will provide all the security that the vice president would need,” ani Abrahano.

Nahaharap si Duterte sa kasong grave threats laban kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., First Lady Liza Araneta-Marcos at dating House Speaker Martin Romualdez.

Iniutos ng korte ang pag-aresto kay Duterte noong Setyembre 4 at nag-post siya ng ₱360,000 piyansa kinabukasan.

Samantala, hindi direktang sinabi ng kanyang abogado na si Michael Poa kung personal na dadalo ang bise presidente sa arraignment, bagama’t sinabi nitong kailangang dumalo ang akusado sa naturang proseso.

Nag-ugat ang kaso sa pahayag ni Duterte noong Nobyembre 2024 na umupa umano siya ng isang assassin para patayin sina Marcos, ang kanyang asawa at si Romualdez sakaling siya ay mapatay.

Isa rin ito sa mga alegasyong nakapaloob sa impeachment case laban sa bise presidente. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here