Home METRO 15,000 pulis ipakakalat sa September 21 rallies – NCRPO

15,000 pulis ipakakalat sa September 21 rallies – NCRPO

2
0

MANILA, Philippines – Magpapakalat ang National Capital Region Police Office (NCRPO) ng mahigit 15,000 pulis para tiyakin ang seguridad at mapanatili ang kapayapaan sa mga anti-corruption rally na nakatakda sa Setyembre 21.

Ayon kay NCRPO officer-in-charge Brig. Gen. Christopher Abrahano, nirerespeto ng pulisya ang karapatan ng mga nagpoprotesta na magpahayag ng kanilang saloobin.

“We will be deploying more than 15,000 na mga kapulisan natin to ensure na yung mga rallies na mangyayari ay peaceful, although we respect yung kanilang karapatan to express themselves,” ani Abrahano.

Wala pa umanong natatanggap na permit ang NCRPO mula sa mga organizer, ngunit pinaigting na nito ang koordinasyon sa intelligence units at mga lider ng grupo upang maiwasan ang posibleng pagpasok ng mga manggugulo sa mga protesta.

“We’ve intensified our coordination with various intelligence units so we can at least foresee if there would be groups that would attempt to infiltrate the protesters,” sabi ni Abrahano.

Sinabi rin niyang wala pang namo-monitor na partikular na banta sa seguridad, ngunit itataas ang alert level ng NCRPO at walang papayagang mag-leave sa mga pulis na itatalaga sa seguridad.

Sept. 21 din ang ika-54 anibersaryo ng deklarasyon ng Martial Law noong 1972.

Ang mga rally ay kaugnay ng panawagan ng mga progresibong grupo para sa pananagutan sa umano’y katiwalian sa flood control at iba pang proyekto ng pamahalaan. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here