Home METRO Maglive-in partner pinasok, pinagbabaril sa loob ng bahay sa Valenzuela City

Maglive-in partner pinasok, pinagbabaril sa loob ng bahay sa Valenzuela City

3
0

VALENZUELA CITY, Philippines – Pinasok at pinagbabaril sa loob ng kanilang bahay  ang maglive-in partner ng hindi pa nakikilalang suspek, napaulat kagabi sa Valenzuela City.

Kapwa nasa malubhang lagay ang mga biktima sina alyas “Jose”, 42, isang caretaker bunga ng mga tinamong  tama ng bala sa kanang pisngi habang napuruhan naman ng bala  sa leeg ang kinakasama nitong si alyas “Rose”, 40, isang staff sa barangay.

Patuloy na ginagamot ang mga biktima sa Valenzuela Medical Center.

Sa ulat ni Valenzuela Police Chief P/Col. Joseph Talento kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Benliner Capili, nag-iinuman sa loob ng kanilang bahay sa Villa San Jose, Purok 4, Barangay Mapulang Lupa ang dalawa, kasama ang mga kaibigan nang biglang pumasok ang suspek dakong alas-11:45 ng gabi at tinanong si ‘Jose’ kung bakit hindi siya kasama.

Nang sabihin ng biktima na hindi niya alam ang sinasabi ng suspek, kaagad naglabas ng baril ang gunman at pinagbabaril ang mga maglive-in partner.

Matapos ang insidente, mabilis tumakas ang suspek sakay ng isang motorsiklo patungo sa hindi nabatid na lugar habang isinugod naman ang maglive-in partner ng rumespondeng barangay patrol sa nasabing pagamutan.

Samantala, ipinag-utos na ng Valenzuela -PNP ang pagre review  ng  CCTV footages  sa lugar upang magbigay-daan sa pagkakakilanlan at pagkakaaresto sa suspek gayundin ang dahilan ng ginawang pamamaril sa mga biktima. (Merly Duero)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here