BATANGAS, Philippines – Pansamantalang nakaratay sa hospital ang isang 35 anyos na binata, nang saksakin ito ng kanyang Ama makaraang sugurin at murahin, kahapon sa Barangay Kumintang Ibaba Batangas City.
Kinilala ang biktima sa alyas Jan 36, binata, na magtamo ng saksak sa dibdib at kasalukuyang naka confine sa Batangas Medical Center.
Samantalang ang suspek na nasa kustodiya ng Batangas Component City Police Station na nahaharap sa kasong Frustrated Parracide na nakilalang si alyas Conrado, 61, driver, widower, residente ng nabanggit na lungsod.
Sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad sa pinangyarihan ng krimen dakong alas- 1:30 ng hapon lasing umano ang biktima nang sugurin nito ang kanyang ama (suspek) at sinabihan ng ” Putang ina mo mamatay ka na sana, wala akong ama” kasabay ng pagbato ng kutsara sa kanyang ama (suspek) .
Napag-alaman na mabilis umanong kumuha ng kutsilyo ang suspek ay inundayan ng saksak sa dibdib ang kanyang anak (biktima) kung saan ang mismong suspek ang nagsugod sa hospital sa kanyang anak. /Ellen Apostol