Home NATIONWIDE Gatchalian, nais ibalik sa PNP pondo para sa infra projects

Gatchalian, nais ibalik sa PNP pondo para sa infra projects

4
0

MANILA, Philippines – Isinusulong ni Senate President Win Gatchalian na muling ilagay sa Philippine National Police (PNP) ang pondo para sa infrastructure projects nito na kasalukuyang ipinapatupad sa pamamagitan ng Department of Public Works and Highways (DPWH).

Sa pagdinig sa panukalang 2027 budget ng Department of the Interior and Local Government, sinabi ni Gatchalian na layunin nitong palakasin ang accountability at mas madaling masubaybayan ang mga proyekto para sa police camps at iba pang pasilidad.

Binanggit niya ang Commission on Audit findings kung saan tinatayang P8.9 bilyon na sumasaklaw sa 331 proyekto ang may mga isyu gaya ng hindi pagkakatala, kulang na supporting documents o hindi pa pagkakumpleto.

Ayon kay Gatchalian, mas magiging malinaw ang pananagutan kung ang PNP mismo ang magbi-bid at magpapatupad ng mga proyektong direktang pakikinabangan ng kanilang mga yunit.

Kinumpirma naman ni PNP chief Gen. Jose Melencio Nartatez Jr. na sinimulan na nilang i-account ang mga proyektong sakop ng TIKAS at iba pang convergence funds na ipinatupad ng DPWH.

Nilinaw ni Nartatez na bagama’t PNP ang humiling ng mga proyekto, DPWH ang naging implementing agency.

Sinabi rin ng PNP chief na mas magiging epektibo ang kanilang organisasyon kung sila mismo ang mangangasiwa sa mga proyektong para sa kanilang mga pasilidad.

Ayon kay Gatchalian, maaari nilang i-realign pabalik sa PNP ang ilang budget items, ngunit kailangan pa itong dumaan sa pag-apruba ng Senate finance committee habang nagpapatuloy ang deliberasyon sa 2027 national budget.

Ang panukala ay hindi pa pinal at maaari pang mabago bago isumite sa plenaryo ang bersyon ng Senate finance panel. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here