Home NATIONWIDE Comelec, all set na para sa unang BARMM parliamentary polls

Comelec, all set na para sa unang BARMM parliamentary polls

3
0

COTABATO CITY – Handa na ang Commission on Elections (Comelec) para sa kauna-unahang Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) parliamentary elections na gaganapin sa Lunes, Setyembre 14.

Dumating sa Cotabato City nitong Biyernes si Comelec Chairman George Erwin Garcia upang makipagpulong sa mga opisyal ng Bangsamoro government, Philippine National Police at iba pang election stakeholders.

Ayon kay Garcia, nakumpleto na ang pangunahing paghahanda ng poll body para sa halalan.

Nakatakda ring lumagda ang Comelec sa isang memorandum of agreement kasama ang Independent Election Monitoring Center-BARMM at Integrated Bar of the Philippines upang palakasin ang koordinasyon para sa mapayapa, maayos, transparent at credible na eleksyon.

Kabilang sa IEMC-BARMM ang Institute for Autonomy and Governance, National Citizens’ Movement for Free Elections, Notre Dame University at Parish Pastoral Council for Responsible Voting.

Inaasahan ding darating sa rehiyon ang mga international observers mula ngayong Biyernes hanggang sa susunod na linggo.

Samantala, isasagawa sa Sabado ang final testing and sealing ng automated counting machines sa 1,186 paaralan na magsisilbing voting centers.

Mahigit 4,000 personnel ng Philippine National Police mula sa Davao Region, Soccsksargen, Northern Mindanao at Zamboanga Peninsula ang nauna nang dineploy para sa seguridad ng halalan.

Ayon sa Comelec, mahalaga ang final testing upang matiyak na maayos ang operasyon ng mga makina bago ang mismong election day sa Setyembre 14. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here