Home METRO Rider tepok sa salpok sa nadaanang bato

Rider tepok sa salpok sa nadaanang bato

3
0

MANILA, Philippines – Nasawi ang isang motorcycle rider matapos mawalan umano ng kontrol sa minamanehong motorsiklo at sumalpok sa center island sa Barangay Pahanocoy, Bacolod City.

Batay sa paunang imbestigasyon at salaysay ng mga saksi, mabilis umano ang takbo ng motorsiklo bago nito madaanana ang isang bato sa kalsada.

Dahil dito, nawalan ng kontrol ang rider at bumangga sa center island.

Tumilapon ang biktima at natanggal ang suot nitong helmet.

Isinugod siya sa ospital ngunit kalaunan ay binawian ng buhay dahil sa matinding pinsala sa ulo.

Patuloy na inaalam ng mga awtoridad ang iba pang detalye ng insidente. Mary Anne Sapico

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here