Home HOME BANNER STORY VP Sara, ipinanawagan pagbibitiw ni Marcos: Walang utang na loob

VP Sara, ipinanawagan pagbibitiw ni Marcos: Walang utang na loob

7
0

MANILA, Philippines – Nanawagan si Vice President Sara Duterte nitong Biyernes na magbitiw sa puwesto si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ilang sandali matapos maipagpaliban ang kanyang arraignment sa grave threats case sa Quezon City.

Sa harap ng kanyang mga tagasuporta sa Quezon City Hall, sinabi ni Duterte: “Patuloy tayong manawagan ng paglayas ng problema ng ating bayan na ang pangalan ay Bongbong Marcos. Resign! Umalis ka diyan!”

Binatikos din ng Bise Presidente si Marcos at tinawag itong “sinungaling” at “abusado,” habang inakusahan din niya ang Pangulo ng pagiging “adik” at “korap.”

“Sinungaling ka, abusado ka, wala siyang utang na loob sa taumbayan. Wala siyang utang na loob sa lahat ng pumunta ng presinto para iluklok siya sa pwesto. Wala siyang hiya. Ganoon talaga kapag adik. Hindi na dumadaan sa realidad ang pag-iisip. Patuloy tayong makipaglaban sa mga abusado, sa mga adik, at sa mga korap,” dagdag pa ni Duterte.

Ginawa ni Duterte ang panawagan matapos ipagpaliban ng Quezon City Regional Trial Court Branch 98 ang kanyang arraignment sa tatlong bilang ng grave threats dahil sa mosyong inihain ng kanyang kampo.

Nauna nang isinampa ng Department of Justice ang mga kaso kaugnay ng mga pahayag ni Duterte noong 2024 tungkol kina Marcos, First Lady Liza Araneta-Marcos at dating House Speaker Martin Romualdez. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here