MANILA, Philippines – PINANGUNAHAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang paggunita sa Marcos Day 2026, araw ng Biyernes, Setyembre 11, sa Batac City, Ilocos Norte.
Dumalo ang Pangulo sa Banal na Misa sa Batac Church, na sinundan ng wreath-laying ceremony sa Marcos Monument.
Sa paggunita, binalikan ng Pangulo ang mga aral na itinuro sa kanya ng kanyang ama, dating Pangulong Ferdinand E. Marcos Sr.
“I first knew him first as my father, and the many of the lessons I remember were the ones he taught me when I was still very young,” ani Pangulong Marcos.
Sinabi ng Pangulo na patuloy niyang binabalikan ang mga aral na ito habang ginagampanan ang kanyang tungkulin bilang Pangulo at iniisip kung ano ang maipapayo ng kanyang ama.
“Now that I am President, I often find myself returning to those lessons and asking what his advice would have been,” aniya pa rin.
Binalikan din niya ang aral ng kanyang ama tungkol sa paggawa ng tama sa kabila ng mga hamon.
“He taught me to do what is right, no matter how difficult it may be,” ang sinabi ng Pangulo.
“But perhaps the most important lesson he taught me was that public service must always be about the Filipino,” dagdag na wika ng Pangulo.
Dumalo rin ang Pangulo sa Natnateng Cook-Off sa Imelda Cultural Center at bumisita sa Mercato ni Nanay Ces sa labas ng Ilocandia Cultural Center.
Kasama ng Pangulo sa paggunita sina First Lady Louise “Liza” Araneta-Marcos at kanilang mga anak na sina House Majority Leader Ferdinand Alexander “Sandro” Marcos at William Vincent “Vinny” Marcos.
Dumalo rin sina Ilocos Norte Governor Cecilia Araneta-Marcos, Ilocos Norte Second District Representative Angelo Marcos Barba, House Speaker Faustino Bodjie Dy III at Batac City Mayor Markee Chua, kasama ang iba pang opisyal ng pambansa at lokal na pamahalaan.
Pinagsama-sama ng mga aktibidad ang mga opisyal ng pamahalaan, mga residente at iba pang stakeholders ng Ilocos Norte bilang bahagi ng paggunita sa Marcos Day 2026. KRIS JOSE