Home NATIONWIDE Red, yellow alert itinaas sa Visayas grid

Red, yellow alert itinaas sa Visayas grid

2
0

MANILA, Philippines – Manipis pa rin ang suplay ng kuryente sa Visayas at Mindanao ngayong Biyernes, Setyembre 11.

Dahil dito ay itinaas sa red alert ang Visayas grid mula alas-3 ng hapon hanggang alas-9 ng gabi, at yellow alert mula alas-1 ng hapon hanggang alas-3 ng hapon at mula alas-9 ng gabi hanggang alas-10 ng gabi, ayon sa National Grid Corp. of the Philippines (NGCP).

Ang available capacity ay tinatayang nasa 2,330 megawatts habang ang peak demand ay posibleng umabot sa 2,002 MW.

Itinuturo ang mababang kapasidad ng kuryente sa unavailability ng Units 1 at 2 ng Therma Visayas, Inc. at Unit 2 ng Panay Energy Development Corp., maging ang mas mababang import mula sa Mindanao grid.

Ayon sa NGCP, ngayong buwan lamang ay mayroong siyam na power plant ang unavailable, habang 22 ang naka-forced outage mula 2021.

Mayroon ding 14 iba pa na gumagana sa derated capacity.

Para naman sa Mindanao, itinaas ang yellow alert mula ala-1 ng hapon hanggang alas-8 ng gabi dahil sa unavailability ng Units 2 at 3 ng coal-fired GNPower Kauswagan.

Ang available capacity ay nasa 2,652 MW habang ang peak demand ay inaasahang aabot sa 2,545 MW.

Hindi gumagana ang 17 power plant sa Mindanao; 16 ang unavailable mula 2024; habang pito iba pa ang nag-ooperate sa derated capacity. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here