Home NATIONWIDE Absent na senador posibleng ituring na ‘no’ votes sa Hard-16 rule –...

Absent na senador posibleng ituring na ‘no’ votes sa Hard-16 rule – Tulfo

76
0

MANILA, Philippines – Nagbabala si Senator-judge Erwin Tulfo nitong Biyernes, Setyembre 11 na kapag pinatili ang lahat ng 24 na senador sa bilangan ng boto sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, ang pagliban ng mga miyembro ay parang nagiging “no” vote na.

Sa pahayag, sinabi ni Tulfo na nais niyang linawin kapag humarap ang mga dating mahistrado ng Korte Suprema sa susunod na linggo sa Senate impeachment court kaugnay ng kanyang apela kung paano dapat i-apply ang constitutional two-thirds requirement.

“Kung included sila, then talagang okay lang, hindi na nila kailangang pumasok pa rito. Actually, ‘no’ vote na ho yun. Kasi wala namang abstention dito, ‘yes’ or ‘no’ lang,” ani Tulfo sa isang chance interview.

Sa ilalim ng impeachment rules ng Senado, kailangang sumagot ang mga senator-judge ng “guilty” o “not guilty” sa bawat article, at kapag hindi nakuha ang two-thirds ng lahat ng miyembro ng Senado, magreresulta ito sa acquittal.

Ayon kay Tulfo, noong una ay pabor siya sa mahigpit na two-thirds requirement batay sa buong miyembro ng Senado, pero nag-umpisa siyang mag-isip nang marinig ang iba’t ibang interpretasyon ng mga eksperto sa batas tungkol sa mga senador na hindi makakalahok.

“Ako, nung una… sabi ko two-thirds. I agree with two-thirds of all members. Pero upon hearing yung mga interviews ng mga legal luminaries… napaisip tuloy ako,” sabi niya.

Apat na senator-judge ang hindi regular na nakakadalo sa paglilitis sa iba’t ibang dahilan – sina Senators Rodante Marcoleta at Jinggoy Estrada ay nakadetine, si Senator Ronald “Bato” Dela Rosa ay at large, at si Senator Loren Legarda ay naka-medical leave sa abroad.

Iginiit ni Tulfo na hindi layon ng kanyang apela na padaliin ang conviction kay Duterte, kundi alamin kung dapat pa bang ibilang ang mga senador na hindi makakalahok sa final vote.

“Bibilangin ba o hindi? Yun lang naman ang gusto kong malaman eh,” aniya.

Tinanggihan din niya ang mga alegasyon na ang pagkuwestyon sa denominator ay senyales na pabor na sa conviction ang mga senator-judge

“No, that’s rushing; that’s already making a judgment. Hindi naman. Unfair naman ho yun,” sabi ni Tulfo.

Nagtalaga ang impeachment court ng mga retiradong Chief Justices na sina Artemio Panganiban at Reynato Puno at retiradong Associate Justice na si Adolfo Azcuna bilang amici curiae o kaibigan ng korte sa Setyembre 16. Si dating Chief Justice Hilario Davide Jr. naman ay lalahok sa pamamagitan ng legal memorandum.

Ang apat ang magbibigay ng payo sa mga senator-judge kaugnay sa hamon ni Tulfo sa umiiral na “hard 16” ruling ni Presiding Officer Francis “Chiz” Escudero.

Ayon kay Tulfo, dapat pakinggan ng mga senator-judge ang mga dating mahistrado nang bukas ang isip bago magdesisyon.

“Para ano pa, dinala natin dito tapos di makikinig?” aniya.

Nakatakdang maglahad ng kani-kanilang posisyon ang prosekusyon at depensa sa Setyembre 23, at pagkatapos nito ay inaasahang boboto ang impeachment court sa apela ni Tulfo. Ernie Reyes

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here