MANILA, Philippines – Timbog sa mga awtoridad ang tatlong drug suspek kabilang dito ang isang senior citizen at makumpiskahan ang mga suspek ng nasa tinatayang P85,000 na halaga ng suspected shabu sa ikinasang buybust operation ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) nitong Huwebes ng hapon, Setyembre 10, 2026 sa Barangay San Jose, Balanga City, Bataan.
Kinilala ng PDEA ang mga naarestong suspek na sina alyas “Ram”, 61 anyos, “Binoy”, 38 anyos at alyas “Dabu”, 27 anyos na pawang mga residente sa naturang lugar.
Nasamsam sa mga suspek ang ilang pakete ng suspected shabu na may timbang na 12.5 grams, na may standard drug price na nasa P85,000, drug paraphernalia at ang marked money na ginamit sa buybust.
Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9265 o Comprehensive Dangerous Act of 2002. ROEL TARAYAO