Home NATIONWIDE Menor-de-edad na may bitbit na baril naka-alarma sa komunidad sa Cavite

Menor-de-edad na may bitbit na baril naka-alarma sa komunidad sa Cavite

1
0

MANILA, Philippines – Isang menor-de-edad na lalaki ang inireklamo matapos umanong makita na may bitbit na baril habang sakay ng motorsiklo sa loob ng isang subdivision sa Barangay Timalan Balsahan, Naic, Cavite.

Sa report ng pulisya, bandang alas-5:00 ng hapon nitong Setyembre 10, ipinagbigay alam ng isang concerned resident na si alyas “Rey” sa HOA President Arnel Alutaya, ang insidente na agad namang nag-report sa Naic Police Station.

Sa paunang imbestigasyon, natukoy ang suspek na si alyas “Loy,” 17-anyos, na umano’y may dalang “Glock” na baril.

Subalit sa pag-iimbestiga ng pulisya, napag-alaman na wala umanong narekober na armas mula sa kanya kaya agad ding itinurn-over ang suspek sa barangay.

Napag-alaman na posibleng may kaugnayan ang insidente sa alitan ng grupo ng mga kabataan sa lugar, kung saan sinasabing hinahanap ng suspek ang nakaalitang si alyas “Jek-Jek,” kapwa menor-de-edad.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa insidente. MARGIE BAUTISTA

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here