MANILA, Philippines – Nakararanas ng depressive disorder na may anxiety si dating speaker at Leyte 1st District Representative Martin Romualdez, ayon sa kanyang psychiatrist Dr. Lourdes Ignacio nitong Biyernes, Setyembre 11.
Ito ang testimonya ni Ignacio sa ikalawang araw ng pagdinig ng Sandiganbayan sa mosyon ni Romualdez para sa hospital detention kasabay ng P7.4 bilyong plunder case na inihain laban sa kanya at tatlo iba pa sa pagkakaugnay sa flood control scandal.
Kinumpirma rin ni Ignacio sa Sandiganbayan na nagreseta ito ng oral medications at regular na mindful sessions.
Nang tanungin kung ang regular na mindful sessions ay maaaring gawin sa ibang health facility, sinabi ni Ignacio na “generally.”
Idinagdag ni Ignacio na ang depresyon ni Romualdez ay may kaugnayan sa iba pang umiiral na heart at brain-related ailments.
“When you prescribe anti-depressants, it [anti-depressant] does have an effect on the brain and blood vessels,” sinabi ni Ignacio. RNT/JGC